Lihim
Ni: John Daryl Louz C. Bulan
Samahan mo ako sa aking lihim
Doon tayo sa parteng madilim
Wag kang magalala hindi ako sakim
Bibigyan din kita ng aking Lihim
Magulo,Mahirap, ang buhay ko
Madalas akong mataranta’t malito
Ang aking lihim ang nagpapahinto
Ng aking pasakit sa magulong mundo
Gusto mo? halika iyong ibuga
Ang usok na galing pa sa iyong Baga
Habang inilalabas isipin mong matyaga
Ang iyong kalusugan habang maaga
Marami mang tao ang kagaya kong may lihim
Nakasisigurado akong sila’y nasa dilim
Na gusto ring makaalis sa kulay itim
Na lugar sa likod ng kanilang lihim
Ikaw ano ba ang yong Lihim?