June 13th, 2011
Ang pinaka masamang experience ng tao ay ang makasama at mahalin nya ang taong di naman pala para sa kanya”
-Daryl Louz Bulan

I am so proud to tell the world that I’ve found the girl:)

Goodmorning… Miss my blog…

June 12th, 2011

SEX???

             

S-E-X... KadiriYuck EewwwAng baboy… Ilan lang ito sa mga expression ng karamihan pag narinig na ang salitang SEX, Pero ang tanong, sino ba ang mas eewww, ang mga taong alam ang salitang SEX o ang mga taong bulag sa katotohanan pagdating sa SEX?

Nakakalungkot mang sabihin pero napakarami sa ating mga kababayan ang salat ang karunungan pagdating sa Sex. Marami din ang nagsasabing ang gawaing ito ay “Imoral” di umano lalo na kapag ika’y hindi pa kasal sa iyong Kasintahan. Pagdating sa mga kababaihan ang salitang ito’y napaka sensitibong usapin lalo na kapag hindi pa nila ito ganap na naiintindihan. Samantalang ang mga kalalakihan naman ay aktibo sa mga ganitong usapin mapabata, Binata o matanda naman.

Ang pagbibigay ng karunungan o kaalaman ay napaka halaga upang maintindihan natin ang mga bagay na kinakailangan nating malaman, halimbawa na nito ang Sex. Tumutol ang simbahan sa pagpapatupad ng DEPED ng Sex Education sa buong iskwelahan sa Pilipinas. Ang rason, ito daw ay lalo pang makapanghihikayat sa mga bata na subukan gumawa ng ganitong aktibidades. Kung gayo’y sa aking palagay, Mali ang rason ng simbahan upang pigilin ang Sex Education. Kung ang mga kababayan natin ay walang alam sa mga ganitong bagay, hindi ba’t magiging curious sila lalo sa kung ano nga ba ang epekto ng Sex, ano ba ang Sex, Ano bang ginagawa sa Sex at kung anu-ano pang katanungan na tiyak magiging problema pa ng ating bansa.

Ang aking personal na opinyon ay ito:

Una- Ituro ang Sex Education sa mga Grade 6 students o ang mga batang tutungtong ng High School. Ito ay makakatulong sa kanila na magkaroon ng mulat na kaisipan para sa Sex.

Pangalawa- Pagtibayin ang Values education upang mas lalong maintindihan ng bawat mag-aaral ang mga tama o maling bagay sa kanilang sarili at paligid.

Pangatlo- Nararapat tayong maging open minded lalo na ang mga magulang at teacher sa usapin tungkol sa Sex. Ang pagkakaroon ng ganitong attitude ay makakatulong para mas lalo nilang maunawaan ang mga usapin tungkol sa Sex

at Pangapat- Wag nating ipamuka sa mga kabataan at iba pang walang alam sa Sex na ang mga usapin ukol dito ay malaswa,babo,imoral o kung anu-ano pa. Ito’y malaking ambag na tulong upang maintindihan ng mga tao ang tunay na kahulugan ng Sex.

Ang Sex ay isang Aktibidad na kinaloob sa atin ng diyos hindi upang husgahan ang ating pagkatao at dignidad sa buhay, ito’y ikinaloob sa atin dahil ito’y isang napakahalagang damdamin na kailangan nating gamitin. Ang Sex po ay hindi masamang gawain lalo na kapag mahal ninyo ang isa’t-isa. Tayo’y tao lamang na nakakaramdam din ng ganitong klaseng pakiramdam hindi dahil manyak o masamang tao tayo kundi dahil ito ay ating natural ng tao.

Sana dumating ang panahon na ang bawat isa sa atin ay malaman na ang salitang SEX na nararapat bigyang kahulugan na huhubog sa kaisipan ng mga tao.

- JDL BULAN

Sex For Us

I am watching one of the most informative show ever made “The Bottom line with Boy Abunda”, Their topic S-E-X.. watch it guys its very informative…

June 11th, 2011
Ang mga taong madalas magalit sa panlabas ay ang mga taong malungkot sa loob”
-Daryl Louz Bulan
Di mo kailangang hanapin ang mga bagay na makapag-papasaya sayo, ang kailangan mo lang ay tumingin sa mga bagay na sayo’y nakapag-papasaya.”
- Daryl Louz Bulan

I will always love this song Forever…

June 9th, 2011

Magkaibang Mundo

Hale

Hindi na ba tayo magbabago
Napagod na sa pakikibaka
‘Bat ‘di kaya tayo magkasundo-sundo

Dumagak na ang mga luha
Nilipas na ng panahon
Sugat na tila’y walang kasing hapdi

[chorus]
Nasaan ka man ngayon
Sana’y mabuti ka
Magkaibang mundo
Sana’y maisip mo ako

…ako

Tuloy ang awit sa ilalim ng tala
Unti-unting maaabot
Pagsapit ng dilim aking hiling

Kung ‘di man masilayan
Tamis ng kahapon
Sumpa ko na aking itatanim

[chorus]
Nasaan ka man ngayon
Sana’y mabuti ka
Magkaibang mundo
Sana’y maisip mo…

[bridge]
Walang balakid
Walang makakapigil
Ang ‘yong pangalan
Sigaw ng damdamin
Hindi alam kung san tutungo
Kung wala ka

LihimNi: John Daryl Louz C. BulanSamahan mo ako sa aking lihimDoon tayo sa parteng madilimWag kang magalala hindi ako sakimBibigyan din kita ng aking LihimMagulo,Mahirap, ang buhay koMadalas akong mataranta’t malitoAng aking lihim ang nagpapahintoNg aking pasakit sa magulong mundoGusto mo? halika iyong ibugaAng usok na galing pa sa iyong BagaHabang inilalabas isipin mong matyagaAng iyong kalusugan habang maagaMarami mang tao ang kagaya kong may lihimNakasisigurado akong sila’y nasa dilimNa gusto ring makaalis sa kulay itimNa lugar sa likod ng kanilang lihimIkaw ano ba ang yong Lihim?

Lihim
Ni: John Daryl Louz C. Bulan

Samahan mo ako sa aking lihim
Doon tayo sa parteng madilim
Wag kang magalala hindi ako sakim
Bibigyan din kita ng aking Lihim

Magulo,Mahirap, ang buhay ko
Madalas akong mataranta’t malito
Ang aking lihim ang nagpapahinto
Ng aking pasakit sa magulong mundo

Gusto mo? halika iyong ibuga
Ang usok na galing pa sa iyong Baga
Habang inilalabas isipin mong matyaga
Ang iyong kalusugan habang maaga


Marami mang tao ang kagaya kong may lihim
Nakasisigurado akong sila’y nasa dilim
Na gusto ring makaalis sa kulay itim
Na lugar sa likod ng kanilang lihim
Ikaw ano ba ang yong Lihim?

June 7th, 2011

I miss YOU!

You say “Goodmorning” when its Midnight:))

Love those words from the song “Jet Lag”…

lalo lang kitang namimiss..

i miss you mh!e:(